Kabanata 36
1 At si Bezaleel at si Aholiab ay gagawa, at lahat ng matalino na pinagkalooban ng Panginoon ng karunungan at pagkakilala na maalaman kung paanong paggawa ng lahat ng gawa sa paglilingkod sa santuario, ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon.
2 At tinawag ni Moises si Bezaleel at si Aholiab, at lahat ng marunong na pinagkalooban ng Panginoon ng karunungan sa puso, lahat ng may pusong napukaw na pumaroon sa gawang gagawin:
3 At kanilang tinanggap kay Moises ang lahat ng handog na dinala ng mga anak ni Israel na magagamit sa gawang paglilingkod sa santuario, upang gawin. At dinalhan pa nila siya ng kusang handog tuwing umaga.
4 At nagsidating ang lahat ng mga taong matatalino, na gumagawa ng lahat na gawa, sa santuario, na bawa't isa'y mula sa kaniyang gawain na ginagawa;
5 At sila'y nagsalita kay Moises, na nagsasabi, Ang baya'y nagdadala ng higit kay sa kinakailangan sa gawang paglilingkod, na iniutos gawin ng Panginoon.
6 At si Moises ay nagbigay utos at itinanyag nila sa buong kampamento na sinasabi, Huwag nang gumawa ang lalake o ang babae man ng anomang gawang handog sa santuario. Na ano pa't sinangsala na ang bayan sa pagdadala.
7 Sapagka't ang kagamitan na mayroon sila ay sapat na sa lahat ng gawa na gagawin, at higit pa.
8 At lahat ng matatalinong lalake sa gumagawa ng gawa, ay gumawa ng tabernakulo na may sangpung tabing, na linong pinili, at kayong bughaw, at kulay-ube, at pula na may mga querubin na niyari ng bihasang manggagawa.
9 Ang haba ng bawa't tabing ay dalawang pu't walong siko, at ang luwang ng bawa't tabing ay apat na siko: lahat ng tabing ay magkakaisang sukat.
10 At pinapagsugpong na isa't isa ang limang tabing: at ang ibang limang tabing ay pinapagsugpong na isa't isa.
11 At siya'y gumawa ng mga presilyang bughaw sa gilid ng tabing, sa gilid ng pagkakasugpong: gayon din ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa dulo ng ikalawang pagkakasugpong.
12 Limangpung presilya ang ginawa niya sa isang tabing, at limangpung presilya ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong: ang mga presilya ay nagkakatapat na isa't isa.
13 At siya'y gumawa ng limangpung kawit na ginto, at pinapagsugpong ang mga tabing na ang isa'y sa isa, sa pamamagitan ng mga kawit: sa gayo'y naging isa ang tabernakulo.
14 At siya'y gumawa ng mga tabing na balahibo ng mga kambing na magagamit sa tolda na nasa ibabaw ng tabernakulo: labing isang tabing ang ginawa niya.
15 Ang haba ng bawa't tabing ay tatlong pung siko, at apat na siko ang luwang ng bawa't tabing; ang labing isang tabing ay magkakaisa ng sukat.
16 At kaniyang pinapagsugpong ang limang tabing at ang anim na tabing ay bukod.
17At siya'y gumawa ng limangpung presilya sa gilid ng unang tabing, sa dulo ng pagkakasugpong, at limangpung presilya ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa dulo ng ikalawang pagkakasugpong.
18At siya'y gumawa ng limangpung kawit na tanso ng papagsugpungin ang tolda, upang maging isa.
19At siya'y gumawa ng isang pantakip sa tolda na balat ng mga tupa na tininang pula, at ng isang takip na balat ng poka sa ibabaw.
20At siya'y gumawa ng mga tabla para sa tabernakulo na kahoy na akasia, na pawang patayo.
21Sangpung siko ang haba ng isang tabla, at isang siko't kalahati ang luwang ng bawa't tabla.
22Bawa't tabla'y mayroong dalawang mitsa na nagkakasugpong na isa't isa: gayon ang ginawa niya sa lahat ng tabla ng tabernakulo.
23At kaniyang iginawa ng mga tabla ang tabernakulo; dalawangpung tabla sa tagilirang timugan na dakong timugan:
24At siya'y gumawa ng apat na pung tungtungang pilak sa ilalim ng dalawang pung tabla: dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa; at dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa.
25At sa ikalawang tagiliran ng tabernakulo sa dakong hilagaan, ay gumawa siya ng dalawang pung tabla.
26At ng kanilang apat na pung tungtungang pilak; dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla, at dalawang tungtungan sa ilalim ng ibang tabla.
27At sa dakong hulihan ng tabernakulo, sa kalunuran ay gumawa siya ng anim na tabla.
28At dalawang tabla ang ginawa niya sa mga sulok ng tabernakulo sa dakong hulihan.
29Na mga nasugpong sa tablang nauukol sa dakong ibaba at nauugnay na mainam hanggang sa itaas, sa isang argolya; gayon ginawa niya sa dalawang yaon sa dalawang sulok.
30At mayroong walong tabla, at ang mga tungtungang pilak, ay labing anim na tungtungan; sa ilalim ng bawa't tabla ay dalawang tungtungan.
31At siya'y gumawa ng mga barakilan na kahoy na akasia; lima sa mga tabla ng isang tagiliran ng tabernakulo,
32At limang barakilan sa mga tabla ng kabilang tagiliran ng tabernakulo, at limang barakilan sa mga tabla ng tabernakulo sa dakong hulihan na dakong kalunuran.
33At kaniyang pinaraan ang gitnang barakilan sa gitna ng mga tabla, mula sa isang dulo hanggang sa kabila.
34At kaniyang binalot ang mga tabla ng ginto, at gininto niya ang kanilang mga argolya na mga daraanan ng mga barakilan, at binalot ang mga barakilan ng ginto.
35At kaniyang ginawa ang lambong na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili na may mga querubin na gawa ng bihasang manggagawa.
36At kanilang iginawa ng apat na haliging akasia, at pinagbalot ng ginto: ang kanilang mga sima ay ginto rin: at kaniyang mga ipinagbubo ng apat na tungtungang pilak.
37At kaniyang iginawa ng tabing ang pintuan ng Tolda, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, linong pinili, na yari ng mangbuburda;
38At iginawa niya ng limang haligi sangpu ng kanilang mga sima: at kaniyang binalot ang mga kapitel at ang kanilang mga pilete ng ginto; at ang kanilang limang tungtungan ay tanso.